^

Metro

2 gunrunner bulagta sa engkwentro

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang  pinaghihinalaang gunrunner ang bumulagta  matapos na makipaghabulan at makipagbarilan sa  mga pulis, kahapon ng madaling araw sa Bonifacio West Overpass sa may Liwasang Bonifacio, Ermita,Maynila.

Kinilala ang mga nasawi na sina Martin Malinao   Robert Tan Hernandez .

Ayon kay SPO2 Lester Evangelista, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, dakong alas-3:10 ng madaling araw nang maganap ang bentahan ng baril kung saan nagkasundo ang mga suspek at pulis na nagpanggap na poseur buyer na magkita sa may Ayala bridge para sa bilihan ng apat na armas.

Nang magkita ang  mga suspek na sakay ng motorsiklo,tinanggap nito ang marked money pero sa halip na ibigay ang armas, tinutukan ng mga ito ang pulis  at mabilis na pinatakbo ang motorsiklo dahilan para habulin sila ng mga nakaantabay na pulis sa may northbound ng  Quintin Paredes Bridge o  Jones bridge.

Nang mapadaan sa tapat ng Bonifacio  Shrine  hindi ito huminto sa checkpoint  at sa halip ay pinaharurot ng mga suspek ang minamanehong motorsiklo at pagsapit sa West Bonifacio Bridge bu­maba ang dalawang suspek ng motorsiklo, naghiwalay  at nakipagbarilan sa mga humahabol na pulis.

Nang mapawi ang putukan dito na nakitang nakabulagta ang dalawa.

Nakuha sa dalawa ang  anim na armas, kabilang ang da­lawang. 38; tatlong kalibre .45 kalibre at isang 9mm; isang stainless na kutsilyo at dalawang sachet ng shabu.

vuukle comment

GUNRUNNER

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with