4 kilo ng marijuana nasamsam: 2 tiklo

Sa ulat ng pulisya, inaresto ang dalawa dakong ala-1:10 ng madaling araw sa kanto ng 7th Street at Fortune Drive sa Brgy. Parada kung saan itinakda ang pagbili ng marijuana ng poseur buyer ng Station Drug Enforcement Unit sa mga suspek.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang tinatayang apat na kilong marijuana buhat sa dalawang ‘tulak’ ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 Nakilala ang mga nadakip na sina Johnedel Geronimo, 27, at si Methusela Paradero, 23.

Sa ulat ng pulisya, inaresto ang dalawa dakong ala-1:10 ng madaling araw sa kanto ng 7th Street at Fortune Drive sa Brgy. Parada kung saan itinakda ang pagbili ng marijuana ng poseur buyer ng Station Drug Enforcement Unit sa mga suspek.

 Nagawang makabili ng P500 halaga ng marijuana ng pulis na nagpanggap na buyer at nang maisagawa ito ay ibinigay na ang hudyat sa mga kasamahan na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang duffle bag na nang buksan ay naglalaman ng apat na bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na apat na kilo.  Nakumpiska rin sa mga suspek ang gamit nilang pulang Innova van, P2,000 at ang P500 marked money bilang ebidensya.

Show comments