Personal na iminumungkahi ni Antiporda na isama sa Manila Bay rehabilitation project ang DTI para sa livelihood projects ng mga informal settlers na malilipat ng ibang lugar.
Miguel de Guzman
DTI, iminungkahing isama sa Manila Bay rehab
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iminumungkahi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda na isama ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Manila Bay rehabilitation’s interagency task force.

Personal na iminumungkahi ni Antiporda na isama sa Manila Bay rehabilitation project ang DTI para sa livelihood projects ng mga informal settlers na malilipat ng ibang lugar.

Ang kawalan umano ng mapagkakakitaan sa resettlement areas ang dahilan kaya ang mga illegal settlers ay bumabalik sa kanilang mga lugar matapos ang relokasyon.

Paliwanag ni Antiporda ito rin ang isa sa kanilang tinitingnan kung paano bibigyan ng matinong kabuhayan at mapapasukan ng trabaho ang mga informal settlers para hindi na sila bumalik sa mga pinanggalingan nila.

Magugunita na noong nakaraang buwan ay nagsagawa ng solidarity walk ang may 5,000 katao sa kahabaan ng Roxas Blvd. bilang hudyat ng pagsisi­mula ng Manila Bay rehabilitation program ng DENR.

BENNY ANTIPORDA MANILA BAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with