Obrero utas sa utol
MANILA, Philippines — Patay ang isang construction worker nang saksakin ng kanyang kapatid na may sakit sa pag-iisip sa Parañaque, kamakalawa ng gabi.
Nasawi habang ginagamot sa Ospital ng Parañaque sanhi ng ilang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Jonathan dela Vega, 28, habang ang suspect na kapatid nitong si Orlando, ay nasa custody naman ng pulisya.
Sa report ng Parañaque City Police, naganap ang insidente alas-9:00 ng gabi sa tinitirhan ng magkapatid na Dela Vega sa Purok 7, Morales Compound, Brgy. Moonwalk ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na habang nakikipag-inuman ang biktima sa ilang katropa ay biglang dumating ang kapatid nitong si Orlando at walang sabi-sabing pinagsaksak ang una.
Dinakip naman ng mga pulis ang kapatid nitong si Orlando, na ayon sa kanilang ina ay may sakit sa pag-iisip.
- Latest