Nang-asar kinatay
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang mister na lasing matapos pagsasaksakin ng isang pagod na obrero, na umano’y inasar nito sa Brgy. Barangka Ibaba, Mandaluyong City kamakalawa ng hapon.

Nasawi sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Rudy Mendoza, 52, habang arestado ang suspek na si Romeo Navarro, 59, construction worker.

Sa imbestigasyon   ng Mandaluyong City Police, nabatid na dakong alas-5:30 ng hapon kamakalawa nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng suspek sa P. Cruz Street, sa na­turang barangay.

Ayon sa testigong si Renz Cabiling, 21, dumating ang biktima na lasing at naisipan nitong pumasok ng walang paalam sa bahay ng suspek, na noon ay pagod dahil kauuwi lamang mula sa trabaho.

Sinasabing inasar ng biktima ang suspek, ngunit sinaway siya nito at sinabihang tigilan ang pang-aasar sa kanya dahil pagod siya sa maghapong trabaho.

Pero hindi pa uma-no tumigil ang biktima kaya nauwi sa mainitang pagtatalo ang insidente hanggang sa tuluyan nang mapikon ang suspek at kumuha ng patalim sa kusina at pinagsasaksak ang una.

 

KINATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with