Casino employee patay sa sunog
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Halos hindi na makilala ang 29-anyos na casino employee nang ma-trap sa loob ng comfort room sa sunog na naganap sa tinitirhan nitong condo unit sa Masangkay St., Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Catherine ‘Karen’  Tan Caparas, residente ng ika-9 na palapag ng Blue Diamond Tower sa Masangkay St., Tondo.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Station 2, dakong alas-9:58 ng umaga nang magsimula  ang sunog na umabot sa ikalawang alarma at naapula bago mag alas-12:00 ng tanghali kahapon.

Nang maapula na ang apoy ay nadiskubre na nasa loob ng comfort room ng ika-9 na palapag si Caparas. Tulog umano ang biktima nang magsimula ang sunog kaya posibleng nataranta at pumasok ito sa banyo.

 Hindi na nito nagawang makapunta sa fire   exit na malapit lang sa kanyang unit dahil sa malaki na ang apoy.

CASINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with