Ito ang panawagan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa mga kababaihan na nakakaranas ng sexual harassment o anumang uri ng pang-aabuso at karahasan.
Boy Santos
Kababaihang biktima ng karahasan at pang-aabuso, hinikayat nalumantad
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Huwag matakot, magreklamo kayo.

Ito ang panawagan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa mga kababaihan na nakakaranas ng sexual harassment o anumang uri ng pang-aabuso at karahasan.

“Speak up. Do not be afraid nor be ashamed to report because the city government is here to provide any kind of assistance to punish the perpetrator and serve justice,” sabi ni Belmonte sa kanyang  pagsuporta sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women ng Philippine Commission on Women (PCW).

Sa simula pa lamang ng kanyang termino bilang bise alkalde, hayagan na ang pagsuporta ni Belmonte sa mga kababaihan. Pinangunahan niya ang pagtatatag ng QC Protection Center (QCPC) na nagkakaloob ng  libreng medical, legal o psychological assistance sa  mga biktima ng gender-based violence. Nitong nagdaang buwan ng Abril, pinangunahan  ni  Belmonte ang pagpapatayo ng karagdagang help desk at protection center para sa mga bata at kababaihan upang mas mailapit  sa kanila ang mga serbisyo sa mga bara-ngay at komunidad sa QC.

“We hope that, through these measures, we can alle­viate the cases of vio­lence against women,” dag­dag ni Belmonte.

Simula 2011, nakapagtala na ng mahigit 1,000 mga bata, kababaihan at mga miyembro ng LGBT community ang nailigtas at nabigyan ng tulong sa ilalim ng nasabing programa.

 “Regardless of gender, women, men and members of our LGBT community have to be respected. We must also all be made to feel safe in public places,”  dagdag ni Belmonte.

Ayon sa PCW, noong 2017, isa sa bawat apat na kababaihan edad 15-49 ang nakaranas na ng physical, emotional at sexual abuses  mula sa kanilang partner o kinakasama.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with