Ang mga nasamsam na illegal drugs at paraphernalia sa sinalakay na condo nang nada­kip na Korean chemist na si Kim Jong Hee sa Greenhills sa San Juan City.
P13.6-M shabu nasamsam sa condo ng Korean chemist
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa P13.6 mil­yong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pinagsanib na elemento ng San Juan City Police at Northern Police District (NPD) makaraang salakayin ang condominium unit na nirerentahan ng nasakoteng Korean chemist sa operasyon sa lungsod ng San Juan nitong Huwebes ng gabi.

Sa report na isinumite kahapon ni Sr. Supt. Dindo Reyes kay Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Bernabe Balba, narekober ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at NPD operatives dakong alas-10:30 ng gabi nang salakayin ang condominium unit na inuupahan ng Korean national na si Kim Jong Hee sa Connecticut Street sa Greenhills, San Juan City.

Si Hee, isang Korean che­mist na gumagawa ng ille­gal na droga at kasamahan nitong drug personality na si Marvin Yu ay una nang nasakote sa buy-bust operation noong Miyerkules.

Sinabi ni Reyes na si Hee at Yu, Filipino-Chinese ay nadakip noong Miyerkules matapos namang madiskubre sa isang nakaparadang behikulo sa Pasig City ang ilang galon ng mga kemikal at kagamitan sa paggawa ng shabu na makakayang magprodyus ng bilyong halaga ng droga.

Isinagawa ang raid sa bisa ng search warrant na inisyu ni Pasig Regional  Trial Court (RTC) Branch 152  Exe­cutive Judge Danilo Reyes.

Nasamsam  ng mga awtoridad sa raid ang shabu na tumitimbang ng mahigit 2 kilo na nagkakahalaga ng P 13. 6 M; mga kemikal  at drug paraphernalia at P450,000.00 cash.

NORTHERN POLICE DISTRICT SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with