^

Metro

50 drug suspects timbog sa magdamag na drug ops

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
50 drug suspects timbog sa magdamag na drug ops

MANILA, Philippines — Nasa  50 drug suspects na kinabibilangan ng mga magkakamag-anak ang  naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs at anti-criminality operations sa lungsod sa nakalipas na magdamag.

Ayon kay QCPD Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., dakong alas-9:00 ng gabi nang madakip ng Masambong Police Station (PS 2) sa isang buy-bust operation ang magkapatid na sina Jocelyn Versoza, 46, at  Zenaida Versoza, 44, kasama sina Rene Boy Brutas, 31, pawang taga- Sitio Pajo, Brgy. Baesa at Carolina Delos Reyes, 51, ng Upper Pajo, Brgy. Baesa, sa 99 Sitio Pajo, Brgy. Baesa. 

 Nakumpiskahan sila ng limang pakete ng shabu at buy-bust money.

 Dakong alas-11:15 naman ng gabi nang madakip ng mga tauhan ng Talipapa Police Station (PS 3) ang magkapatid na sina Joseph Gordo, 35, construction worker, at John Carlo Gordo, 26, kapwa bagong identified lamang na drug personalities at residente ng  Brgy. Pasong Tamo, sa Espiritu Compound, Brgy. Pasong Tamo. 

Ang magkapatid na Gordo ay nakumpiskahan ng tatlong pakete ng shabu.

 Sa ulat naman ng Bata­san Police Station (PS 6), natukoy na ang mag-asawang sina Rodante Lopez, 52, at Jocelyn Lopez, 58, ng Brgy. Payatas, ay naaresto dakong 5:40 ng hapon sa 84 Bansalangin St. Area B, Brgy. Payatas, kasama sina Vilmar Domingo, 26; Philip Roy Lobo, 38; Aristotle Teodoro, 34; at Fernando Guardino, 34.

Narekober sa kanila ng mga awtoridad ang siyam na pakete ng shabu, drug paraphernalia at buy-bust money.

Bukod sa kanila, naaresto rin ng mga awtoridad ang may 38 pang drug suspects sa magkakasunod na operasyon ng QCPD sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

 Pawang nakapiit na ang mga suspek at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUG SUSPECTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with