Green transport pinangunahan ng Muntinlupa

Ang turnover ceremony ay pinangunahan nina Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi; DOE Asst. Secretary Leonido Pulido III at Usec. Donato Marcos, na isinagawa sa Muntinlupa City Sport Complex sa Brgy. Tunasan, na sinundan ng drive-test.
City Government of Muntinlupa/Facebook

MANILA, Philippines — Upang maging bahagi na mga kampanya para paha­lagahan at pangalagaan ang kalikasan, pinangunahan ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa na paigtingin ang kampanya para sa programa ng green transport makaraang tanggapin nito ang mahigit sa 150 units ng E-Trike mula sa Department of Energy (DOE).

Ang turnover ceremony ay pinangunahan nina Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi; DOE Asst. Secretary Leonido Pulido III at Usec. Donato Marcos, na isinagawa sa Muntinlupa City Sport Complex sa Brgy. Tunasan, na sinundan ng drive-test.

Matatandaan, na noong buwan ng Hunyo ng taong kasalukuyan, si Mayor Fresnedi at ang iba pang tatlong kuwalipikadong LGUs recipients sa Metro Manila ay lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) para tanggapin ang nabanggit na mga unit.

Napag-alaman na katuwang ng  DOE E-Trike project  ay ang Asian Development Bank (ADB) at Clean Technology Fund (CTF) para makatulong sa pangangalaga ng kalikasan at ang magiging pilot barangay ay ang Ayala Alabang, na ibabahagi rito ang 20 units.

Nabatid na ang naturang mga E-Trike ay may 5 kw electric, 3kWh Lithium-lon battery, mayroon onboard charger, battery management system, na ang halaga para sa unit fully charge ay nasa P45.00 na tatagal ng mahigit sa tatlong oras. Limang pasahero ang kapasidad at maituturing na road-worthy para sa Land Transportation Office (LTO).

Nabatid na pangungunahan ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang kampaya sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng green transport project.

Show comments