“No day off, no absent policy” ipapatupad ng MMDA sa Undas

Ang itatalagang mga traffic personnel ang siyang magmamantina sa daloy ng trapiko at magsasaayos ng mga parking sa mga pangunahing sementeryo sa Metro Manila.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Mahigpit na ipatutupad ng Metropolitan Manila  Development Authority (MMDA) ang “no day off, no absent policy” sa 2,000 traffic personnel para sa preparasyon sa Undas.

Ang itatalagang mga traffic personnel ang siyang magmamantina sa daloy ng trapiko at magsasaayos ng mga parking sa mga pangunahing sementeryo sa Metro Manila.

Nagpauna na ang ahensya na   hahatakin at  bubuwagin ng mga ito ang anumang uri ng traffic obstruction na makakaabala sa trapik patungong mga sementeryo.

Makakatulong ng MMDA ang Inter-Agency Council for Traffic (IACT) sa pagpapatupad ng  clearing operation.

Sabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, ipauubaya nila sa local government units (LGUs) ang kaayusan sa loob ng mga sementeryo.

Sa direktiba ni MMDA Chairman Danilo Lim, na simula sa Oktubre 27 hanggang  Nobyembre 3 ay ipatutupad sa 2,000 traffic personnel  ang “no day off, no absent policy”.

Awtomatikong suspendido  ang number coding sa Nob­yembre 1 at 2 para bigyang daan ang mga magtutungo sa mga sementeryo upang dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay.

Magpapatupad din ng traffic re-routing sa mga lugar na apektado ng Undas.

Show comments