Ginang binagsakan ng tipak ng bato sa ulo, kritikal

Inoobserbahan sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), ang biktimang si Avelina Navarro, 40, walang permanenteng tirahan.

MANILA, Philippines — Isang ginang ang nasa kritikal na kondisyon nang bagsakan ng malaking tipak ng  bato sa ulo, habang ang una ay natutulog sa bangketa, kamakalawa ng madaling araw sa Tondo, Maynila. 

Inoobserbahan sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), ang biktimang si Avelina  Navarro, 40, walang permanenteng tirahan. 

Agad namang nadakip sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Ronelito Flogio, 45.

Ayon sa MPD-PS 1, natutulog ang biktima sa bangketa  sa bahagi ng N. Zamora Street, sakop ng Brgy. 78  dakong ala -1 ng madaling araw nang dahan-dahan siyang lapitan ni Flogio saka binagsak sa ulo nito ang malaking bato saka tumakas ang suspek.

Sa kuha ng CCTV nagawa pang bumangon at umupo ng biktima at sa tulong ng ilang residente ay naisugod ito sa ospital na ngayon ay patuloy na inoobserbahan dahil sa fracture na natamo nito sa kanyang ulo.

Sa pahayag ng suspek, nagalit umano siya sa biktima dahil isinusumbong umano siya ng biktima sa mga pulis na gumagamit ng iligal na droga.

Show comments