2 Arabo tiklo sa pot session sa QC

Kinilala ni QCPD Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga naarestong dayuhan na sina Adam­hassan Ibrahim, 26, at Osama Shalup Dasaeed, 25, kapwa ng 19-D University Place Condominium, sa Leon Guinto St., Malate, Manila.

19 pa dakma

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang dalawang Arabo matapos maaktuhang nagpa-pot session  ng marijuana sa loob ng isang bar sa Brgy. South Triangle, Quezon City kahapon ng umaga habang 19 na iba pang drug suspect ang naaresto rin sa magkakahiwalay na drug operation ng Quezon City Police District (QCPD).

Kinilala ni QCPD Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga naarestong dayuhan na sina Adam­hassan Ibrahim, 26, at Osama Shalup Dasaeed, 25, kapwa ng 19-D University Place Condominium, sa Leon Guinto St., Malate, Manila.

Sa ulat ng Kamuning Police Station 10 (PS-10), dakong alas-6:45 ng umaga nang maaresto ng mga pulis ang mga suspek habang aktong humihithit ng marijuana sa isang bar sa nasabing lugar.

Nagpapatrulya ang mga otoridad nang may magbigay ng tip hinggil sa pot session kaya’t kaagad na rumesponde na nagresulta sa pagkakadakip ng mga dayuhan.

Nakumpiska mula sa  mga suspek ang nakabilot na papel na may lamang sinunog na pinatuyong dahon ng marijuana.

Samantala, may 19 na iba pang drug suspects ang naaresto rin ng mga pulis sa magkakahiwalay na operas­yon sa iba pang bahagi ng lungsod.

Pawang detenido na ang mga ito at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments