^

Metro

4 sasakyan nagkarambola: 12 sugatan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
4 sasakyan nagkarambola: 12 sugatan
Ginagamot ngayon sa Ospital ng Muntinlupa at Asian Hospital and Medical Center ang 12 biktima na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

MANILA, Philippines — Nasa 12 katao ang nasugatan matapos magkarambola ang apat na sasakyan na kinabibilangan ng trailer truck, dalawang kotse  at isang van  na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko kamakalawa ng gabi sa South Luzon Expressway (SLEX), Muntinlupa City.

Ginagamot ngayon sa Ospital ng Muntinlupa at Asian Hospital and Medical Center ang 12 biktima na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Ayon sa report na natanggap ng hepe ng Public Information Office ng Southern Police District (PIO, SPD) na si Supt. Jenny Tecson, naganap ang insidente alas-9:00 kamakalawa ng gabi sa  Northbound lane,  harapan ng isang gasolinahan sa SLEX,  Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Nabatid na binabagtas ng nabanggit na mga sasakyan ang expressway, kung saan mula sa lane 3, lumipat ng lane 2 ang Honda Civic, na paparating naman ang isang trailer truck kung kaya’t nahagip nito sa  kaliwang bahagi ang naturang kotse.

Dahilan upang magpagewang-gewang ang Honda Civic, at  nasalpok nito ang paparating na Nissan Van NV350 hanggang sa nabangga naman nito ang median barrier at pirasong mga bato na tumama naman sa paparating na Toyota Corolla Altis.

Nabatid, na ang nasabing aksidente ay nagdulot ng  mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Northbound lane ng   SLEX.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with