^

Metro

Parak naaktuhang nagsa-shabu, arestado

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Parak naaktuhang  nagsa-shabu, arestado
Kinilala ni Caloocan City police deputy chief for admi-nistration Supt. Ferdie Del Rosario ang suspect na si PO2 Ronaldo Macayan, 48, residente ng Heroes Del 96, Brgy. 73 ng naturang siyudad.

MANILA, Philippines — Arestado ang isang pulis  na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) matapos itong maaktuhang sumisinghot ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa.

Kinilala ni Caloocan City police deputy chief for admi-nistration Supt. Ferdie Del Rosario ang suspect na si  PO2 Ronaldo Macayan, 48, residente ng Heroes Del 96, Brgy.   73 ng naturang siyudad.

Ala-1:15 ng hapon nang magkasa ng buy-bust operation ang operatiba ng Caloocan City Police,  Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni Sr. Inspector  John Chua laban kina Julius Villarosa at isang alyas Digo  sa naturang lugar.

Ayon sa report nang iaabot na ng police na nagpanggap na poseur buyer ang halagang P300 marked money kay alyas  Digo, dito na humudyat para arestuhin ang mga suspect.

Subalit, nakatunog ang mga suspect kung kaya’t mabilis na tumakbo ang mga ito at pumasok sa isang bahay.

Hinabol ng mga pulis ang dalawa at pagpasok ng mga ito  sa bahay ay dito na tumambad sa kanila si PO2 Macayan na naaktuhang sumisinghot ng shabu.

Kung kaya’t kaagad na dinakip si PO2 Macayan ng kanyang mga kabaro at nakatakas naman ang talagang target ng naturang operatiba.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with