OFW kalaboso sa ikinalat na sex video

Nakilala ang suspect na si Bryan Canama na dinakip sa isinagawang operation sa loob ng isang hotel sa Malate, Manila.

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na tinakot ang kanyang dating kasintahan na ipapakalat ang kanilang ‘sex video’ kung hindi ito papayag na makipagtalik bago tumulak pa-Estados Unidos.

Nakilala ang suspect na si Bryan Canama na dinakip sa isinagawang operation sa loob ng isang hotel sa Malate, Manila.

Ayon sa ulat, si Canama at ang biktima na mula sa Cebu ay nag-date sa loob ng may apat na buwan hanggang sa magpasya ang huli na makipaghiwalay dito dahil sa sobrang pagiging seloso.

Inamin naman ni Canama sa isang TV interview na pinadala niya ang sex video sa mga kaanak at kaibigan ng biktima para umano masaktan ang dating kasintahan at maranasan ang tinamo niyang sakit nang makipagkalas ito sa kanya.

Show comments