Pagsasara sa 2 tulay, flyover aarangkada na
MANILA, Philippines — Isasailalim na sa rehabilitasyon ngayong ‘ber months’ ang dalawang pangunahing tulay at isang flyover kaya’t asahan na ng mga motorista at commuters ang mas mabigat na daloy ng trapiko na mararanasan sa Metro Manila.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, binigyan na nila ng clearance ang Department of Works and Highways (DPWH) para simulan na sa Set-yembre 15 ng taong kasalukuyan ang restoration ng Old Sta. Mesa Bridge, Mabini Bridge at Nagtahan Flyover.
“The Old Sta. Mesa Bridge that connects San Juan and Manila cities will be closed for seven months,” ani Garcia sa press briefing kahapon sa tanggapan ng MMDA.
Ang reconstruction aniya ng naturang mga tulay ay upang bigyan ng daan ang ongoing construction ng Skyway Stage 3 Project.
“The bridge along N. Domingo Street has to be demolished so that barges that will carry equipment for the Skyway 3 Project can pass the waterway,” sabi pa ni Garcia.
Ang mga motoristang maaapektuhan ng naturang proyekto ay gagabayan nang mga ilalagay na signages para impormahan ang mga ito sa mga itinalagang alternatibong ruta.
Sabi pa ng MMDA, ang pagkukumpuni aniya ng Mabini Bridge at Nagtahan flyover ay aabutin ng apat na buwan. Tinatayang nasa 37,000 behikulo ang dumadaan sa naturang lugar kada araw.Papayagan lamang ang konstruksyon simula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga. Base ito sa napagkasunduan ng MMDA at kontraktor ng nasabing mga proyekto.
- Latest