Tsuper inutas sa mismong pinapasadang tricycle

Nakilala ang nasawi na si Antonio Tamayo Jr., 34, at naninirahan sa Phase 8A Package 12, Block 163, Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod. Sa ulat ng Caloocan City Police, ala-1:25 ng madaling araw nang maganap ang pamamaslang sa kalsada ng Phase 43 Package 9 ng nabanggit na barangay.
File Photo

MANILA, Philippines — Naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang wala nang buhay na tsuper sa kanyang minamanehong tricycle nang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Antonio Tamayo Jr., 34, at naninirahan sa Phase 8A Package 12, Block 163, Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod. Sa ulat ng Caloocan City Police, ala-1:25 ng madaling araw nang maganap ang pamamaslang sa kalsada ng Phase 43 Package 9 ng nabanggit na barangay.

Ayon sa isang saksi, katatapos lang niyang magsara ng tindahan nang makarinig ng magkakasunod na putok ng baril sa labas ng kanyang bahay. Nang tumahimik na, pinuntahan ng saksi ang pinagmulan ng putok at dito tumambad ang duguan at wala nang buhay na bangkay ni Tamayo sa motorsiklo ng kanyang tricycle.Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima. Tatlong cartridge ng kalibre .45 baril ang natagpuan rin sa lugar ng krimen.

Blangko pa naman ang pulisya sa motibo ng pamamaslang habang inaalam ang background ng biktima upang makakuha ng lead sa isinasagawang imbestigasyon.

Show comments