^

Metro

2 Chinese itinumba ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 Chinese itinumba ng tandem
Kinilala ni Senior Inspector Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang mga biktima na sina Yi Shou Yan, 35, ng Binondo, Maynila at Wu Huai Hong, 30 , ng Sta. Cruz, Maynila.
File Photo

MANILA, Philippines — Patay  ang dalawang Chinese nationals nang pagbabarilin ng riding in tandem habang nakatayo sa ibaba ng United Nations LRT Station, northbound, sa Taft Avenue,Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Inspector Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang mga biktima na  sina Yi Shou Yan, 35, ng  Binondo, Maynila at  Wu Huai Hong, 30 , ng  Sta. Cruz, Maynila.

Dead on the spot si Hong habang naisugod pa sa Manila Medical Center si Yan na idineklarang dead on arrival. Kap­wa nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang dalawang biktima.

Ginagamot naman sa Philippine General Hospital ang isang ginang at isang estudyante na tinamaan ng ligaw na bala.

Sa ulat, alas-11:40 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa tapat ng Araullo High School, ibaba ng UN LRT station sa Taft Avenue, ilang metro ang distansiya sa MPD headquarters at NBI.

Nilapitan umano ng mga suspek lulan ng motorsiklo ang dalawang biktima at malapitang binaril. Minalas naman na madamay ang dalawa pang biktima na naglalakad sa lugar.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with