4 binitbit sa buy-bust

Isinalang na sa inquest proceedings sa paglabag sa Republic Act 9165 sections 5, 11, 12 at 15 sina Nicanor Vargas , 54, ng no. 711 Delpan st., Binondo ; kapatid na si Reynaldo, 56; Louie Cabwang , 31, ng no. 485 Dandan st., Tondo at Juan Carlo Mercado , 41 ng no. 302 Wagas St.,Tondo.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Apat na lalaki ang inaresto  nang maaktuhan sa paggamit ng shabu habang isinasagawa ang buy-bust operation sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Isinalang na sa inquest proceedings sa paglabag sa Republic Act 9165 sections 5, 11, 12 at 15 sina Nicanor Vargas , 54, ng no. 711 Delpan st., Binondo ; kapatid na si Reynaldo, 56; Louie Cabwang , 31, ng no. 485 Dandan st., Tondo at Juan Carlo Mercado , 41 ng no. 302 Wagas St.,Tondo.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Manila Police District-Station 11 chief, Supt. Carlito Mantala,  alas-11:30 ng gabi nitong Biyernes nang isagawa ang buy-bust sa panulukan ng Delpan at Penarubia  sts., sa Binondo.

Nang makabili na ang poseur-buyer ay pinasok ng mga operatiba ang bahay ng magkapatid.

Show comments