^

Metro

Klase sa paaralan sa Batasan Complex, kanselado sa Lunes

Angie dela Cruz, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Klase sa paaralan sa Batasan Complex, kanselado sa Lunes
Ito ay upang bigyang-daan ang ika-tatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Kinansela ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang pasok ng lahat ng antas ng paaralan sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod na malapit sa Batasan Complex sa Lunes.

Ito ay upang bigyang-daan ang ika-tatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Karaniwan nang nagsisikip ang daloy ng trapiko sa mga lugar papasok at palabas ng Batasan Complex dahil sa mga papuntang sasakyan doon at dulot din ng mga protesta kaya’t minabuti ng lokal na pamahalaan na kanselahin ang pasok ng mga mag-aaral.

Sa abiso naman kaha­pon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasara sa mga motorista ang portion ng  Commonwealth Avenue mula Tandang Sora hanggang Batasan mula alas-12:01 ng madaling araw ng Lunes.

Kung kaya’t ang mga mo­toristang magtutungo sa Que­zon City ay dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta.

Magpapatupad ng re-routing scheme ang MMDA habang hindi pa binubuksan ang mga sinarang kalsada.

Sa Lunes, ikakalat na rin ang mga tauhan ng QC Police at Department of Public Order and Safety ng lungsod para ayudahan ang mga motorista at mga tao sa lugar. 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with