‘Tulak’ todas sa buy-bust

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang napatay na suspek sa alyas na ‘Joseph,’ tinatayang nasa 40-anyos, katamtaman ang laki ng pa-ngangatawan, nakasuot ng itim na t-shirt at asul na shorts.
File Photo

MANILA, Philippines — Isang sinasabing ‘tulak’ ng droga ang natodas ng mga parak makaraang manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang napatay na suspek sa alyas na ‘Joseph,’ tinatayang nasa 40-anyos, katamtaman ang laki ng pa-ngangatawan, nakasuot ng itim na t-shirt at asul na shorts.

Batay sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng QCPD-La Loma Police Station 1, laban sa suspek sa Riverside, Kaingin Bukid, Brgy. Apolonio Samson, Quezon City.

Nakatanggap ng tip ang pulisya na nagtutulak ng ilegal na droga ang suspek kaya’t nagkasa ng buy-bust operation laban sa kanya.

Tinangka ng undercover cop na bumili ng shabu mula sa suspek ngunit nakahalata ito na pulis ang ka-transak-siyon kaya’t kaagad na bumu­not ng baril at nagpaputok.

Mabuti na lamang at hindi natamaan ang mga pulis, na kaagad na gumanti ng putok, at nasapul ang suspek na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .38 revolver, na may tatlong bala, apat na paketeng shabu, isang cellphone, isang motorsiklo, at ang buy-bust money.

Show comments