^

Metro

2 Hapones timbog sa pekeng dolyares

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
2 Hapones timbog sa pekeng dolyares
Nakakulong ngayon sa Makati City Police ang mga suspect na sina Yoshitaka Yamamoto, 48 at Noa Shimegi, 27, kapwa nanunuluyan sa Hop-In Hotel, Makati Avenue ng naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang Japanese nationals matapos mahulihan ng 10 pirasong pekeng $100 bills at  suhulan pa  ang mga pulis ng halagang P50,000.00, kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police ang mga suspect na sina Yoshitaka Yamamoto, 48 at Noa Shimegi, 27, kapwa nanunuluyan sa Hop-In Hotel, Makati Avenue ng naturang lungsod.

Samantala, kinilala naman ang complainant na si Amalia Yamat, isang kahera sa Emelda Money Changer na matatagpuan sa panulukan ng Kalayaan Avenue at Mariano St., Brgy. Poblacio ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa isinumiteng report ni General Assignment Section (GAS) investigator, SPO3 Alejandro Devalid kay Makati City Police chief of police, Sr. Supt. Rogelio Simon, naganap ang insidente alas-3:00 ng hapon sa naturang lugar.

Sa pahayag sa mga pulis ni Yamat, nagpapalit aniya sa kanya ang mga suspect ng sampung pirasong $100 bills at nalaman na peke pala ito.

Dahilan upang magharap ng reklamo sa tanggapan ng Police Community Precinct (PCP) 6 si Yamat laban sa mga  suspect, na nagresulta naman sa pagkaaresto sa mga ito.

Habang inaaresto ng mga pulis ang mga suspect, naglabas ng halagang P50,000 si Yamamoto para suhulan ang mga ito para aniya  sila palayain.

Subalit, hindi kinagat ng mga pulis ang panunuhol kundi  lalu nilang tinuluyan ang dalawang dayuhan.

Sabi ng mga suspect,   isang Asian looking ang nagpalit sa kanilang yen ng dollar. 

Ipinaalam na ng pulisya sa embahada ng Japan ang insidente.

vuukle comment

JAPANESE NATIONALS ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with