^

Metro

Negosyante nanlaban sa holdaper, patay!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Negosyante nanlaban sa holdaper, patay!
Ang biktima ay kinilalang si Adrian Dalisay, 30-anyos, may-ari ng isang tindahan sa Commonwealth Market, Brgy. Commonwealth, nasabing lungsod.

MANILA, Philippines — Isang negosyante ang napaslang matapos siyang holdapin at barilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek nang manlaban ang biktima sa Barangay Commonwealth, Quezon City kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Adrian Dalisay, 30-anyos, may-ari ng isang tindahan sa Commonwealth Market, Brgy. Commonwealth, nasabing lungsod.

Sa imbestigsyon ni SPO3 Hilario Nebato, dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa Metong St., Brgy. Comonwealth  habang sakay ng motorsiklo ang biktima pauwi sa kanilang tahanan. Pagsapit nito sa Metong St. ay hinarang siya ng mga armadong lalaki at tinutukan ng baril at saka nagpahayag ng holdap.

Nanlaban umano ang negosyante sanhi upang barilin siya ng isa sa suspek at saka tinangay ang sling bag nito na naglalaman ng P200,000. Matapos na makuha ang pera, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo na hindi naplakahan.

Naisugod pa ang biktima sa Quezon City General Hospital  subalit hindi na naisalba ang kanyang buhay dahil sa tinamong mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan. 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with