Tindero ng gulay binoga, kritikal

Nakilala ang biktima na si Mario Tesoro, 36-anyos, may live-in partner, at stay-in sa loob ng Malabon Public Market na nasa F. Sevilla Blvd., Brgy. Tañong, ng naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Agaw-buhay ngayon sa pagamutan ang isang tindero ng gulay makaraang barilin sa ulo ng isang hindi pa nakikila-lang salarin habang nagtitinda sa loob ng Malabon Public Market, kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Mario Tesoro, 36-anyos, may live-in partner, at stay-in sa loob ng Malabon Public Market na nasa F. Sevilla Blvd., Brgy. Tañong, ng naturang lungsod.

Bigo naman ang pulisya na makilala ang nag-iisang suspect na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril sa biktima.

Sa ulat ng Malabon City Police, dakong alas-10:05 ng umaga, habang abala ang biktima sa kanyang pagtitinda nang biglang sumulpot ang suspek at walang kaabug-abog na binaril si Tesoro sa ulo.

Agad namang tumakas ang suspek na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao matapos na umalingawngaw ang putok ng baril.

Agad namang nasaklolohan ng kanyang mga kaibigan ang biktima at naisugod siya sa Ospital ng Malabon bago inilipat sa Jose Reyes Memorial Medical Center kung saan kritikal ang kanyang kalagayan.

Narekober ng mga pulis    sa pinangyarihan ng pamamaril ang isang napaputok na cartridge buhat sa isang kalibre .45 baril.

Show comments