^
Cruise ship pinigil sa human trafficking: 139 nasagip
Umaabot sa 139 katao ang sinasabing ni recruit sa iba’t ibang lalawigan ang nasagip sa Bataan.

Cruise ship pinigil sa human trafficking: 139 nasagip

Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - July 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinigil sa paglalayag ng mga tauhan ng Coast Guard at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Cruise ship para sagi­pin ang may 139 biktima ng human trafficking kahapon ng madaling araw.

Umaabot sa 139 katao ang sinasabing ni recruit sa iba’t ibang lalawigan ang nasagip sa Bataan. 

Ang anti- human smuggling operation ay ginawa ng NBI at PCG matapos makatanggap ng impormas­yon na may mga taong nakasakay sa M/V Lucky Forever. Na-intercept ng mga awtoridad ang nabanggit na 5,746 Gross-Tonned old cruise/passenger ship papuntang Micronesia, Guam dakong ala-1 ng ma­daling araw. Nalaman na una uma­nong nakatanggap ng impormasyon ang National Coast Watch Center (NCWC) ng Office of the President mula sa kanilang counterpart na isang domestic passenger vessel sa Bataan ay sangkot sa human smuggling at iba pang ilegal na aktibidad.

Iniradyo naman ng NCWC ang impormasyon kaya sinita ang barko na umano’y pag-aari ng Faren­heit Company Ltd (SBMA registered), na naka -dock sa Orion, Bataan. Nalaman na ang kompanya ay nakakuha ng mga pekeng special permit para makapaglayag. 

Wala ring Certificate of Public Convenience o franchise para maging legal ang operasyon nito. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang barko na may sakay na 41 tripulante.

CRUISE SHIP HUMAN TRAFFICKING NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with