^

Metro

Opisyal, tauhan ng QCPD sinipa sa puwesto

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Opisyal, tauhan ng QCPD sinipa sa puwesto
Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, tinanggal na niya sa puwesto ang mga sangkot sa nasabing insidente kabilang dito ang kanilang opisyal na hindi muna pinangalanan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinagsisipa sa puwesto ni National Capi­tal Region Police Office (NCRPO) ang mga opisyal at ilang tauhan sa Quezon City Police District (QCPD) station 5 matapos na mapag-ala­mang inutusan umano ng mga ito na maglinis ng comfort room o CR ang nahuli nilang tambay.

Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, tinanggal na niya sa puwesto ang mga sangkot sa nasabing insidente kabilang dito  ang kanilang opisyal na hindi muna pinangalanan.

Hindi na rin muna pi­­na­ngalanan ang nahu-ling tambay na pinaglinis umano ng palikuran.

Giit ni Eleazar, hinihikayat niya ang naaresto na maghain ng kaso laban sa mga pulis na gayong hindi naman umano siya ikinulong ay bagkus pinaglinis na lamang ng CR.

Nilinaw naman ng opisyal na tanging ang hukom o judge lamang ang maaaring magsabi kung ano ang parusa sa kanya at hindi ang mga pulis na umaresto sa kanya.

Lagi din umano niyang pinapaalalahanan ang mga pulis na gawin lamang kung ano ang nasa kanilang mandato para hindi lumabag sa karapatang pantao ng kanilang mga hinuhuli.

Muli namang umapela sa publiko si Elea­zar na walang dapat ikabahala dahil sa pagiging tambay nila dahil hindi ito isang krimen at ang bagansiya ay decriminalized na at ang kanilang ginagawang pag-aresto ay nakabase sa mga umiiral na ordinansa.  

vuukle comment

NCRPO CHIEF GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with