P15-M pekeng auto spare parts nasamsam ng NBI
MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang tindahan ng auto supply na nagbebenta ng mga pekeng spare parts ng mga kilalang brand ng sasakyan sa Maynila, Pasig at Parañaque, sa ulat kahapon.
Sa pulong-balitaan, iniulat ng NBI-Intellectual Property Rights Division (IPRD) na pawang mga pekeng auto parts ng Hyundai, KIA at Mobis na nagkakahalaga ng P15-milyon ang nasamsam.
Nag-ugat ang kaso nang maghain ng reklamo ang Hyundai Motor Company sa NBI-IPRD hinggil sa mga pekeng produkto na taglay ang kanilang brand name.
Ang mga nasamsam umano ay gawa sa China gayung ang orihinal ay gawa sa South Korea.
Kasamang sumalakay ng NBI ang abogado at kinatawan ng kompanya sa bisa ng search warrants na inisyu ng Pasig City Regional Trial Court Branch 159 laban sa pitong establisimento.
Kakasuhan ng unfair Competition, Trademarks Infringements and/or False Designation of origin of False Representation sa ilalim ng Republic Act 8293 ang mga negosyanteng nakumpiskahan ng nasabing mga produkto.
Iginiit ng kinatawan ng Hyundai Motor Corporation na si Jae Ho Lee na ang pagtangkilik sa mga pekeng produkto ay hindi lamang nakakasira sa kanilang kompanya kundi panganib rin ang maaaring dala nito sa buhay ng tao.
“Our concern most is the safety of our costumer whose life maybe endanger once they replace our original parts with their item and we had been working on this troughout the world and this is the first time we did it in the Philippines and we are glad for the NBI cooperation and satisfied in the outcome of the operation,” ani Lee sa naganap na press conference sa Malate, Maynila.
- Latest