15 kabahayan natupok sa sunog sa Maynila

MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang nasa 15 kabahayan sa Paco, Maynila, kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog dakong alas- 2:25 ng hapon na mabilis na umakyat sa ikatlong alarma bunsod ng pawang yari sa light materials ang mga bahay na halos magkakadikit.

Isang hindi pa kilalang la-laki ang itinakbo sa pagamutan matapos biglang tumumba na sinasabing inatake sa puso dahil sa nerbiyos habang dalawa pa ang nasugatan din sa kamay at braso dahil sa pagtulong sa pagpatay ng apoy.

Sinabi naman ni Senior Inspector Reden Alumno, hepe ng Arson Investigation Unit ng Manila Fire Department na inaalam nila ang impormasyon na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang alyas Butchokoy.

Alas-3:26 o higit isang oras lamang ay naideklara nang fire under control.

Show comments