‘Angolan Budol-Budol’ gang nalansag: 3 dayuhan tiklo

MANILA, Philippines — Nalansag ng mga ope-ratiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang notoryus na ‘Ango­lan Budol-Budol’ gang na sang­kot sa ‘black dollar scam’ kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong dayuhang miyembro ng sindikato sa operasyon sa Pasay City, ayon sa mga opisyal kahapon.

Sa press briefing sa Camp Crame, iprinisinta nina PNP Chief P/Director Gene­ral Oscar Albayalde at PNP-CIDG Chief P/Director Roel Obusan ang mga nasakoteng suspect na sina Aroon James, 44, na nag­pa­kilalang mula sa Puerto Rico; Brown Akwe Fonboh, 43, taga Estados Unidos  at Gum Blanche Murphy, 23, mula naman umano sa Angola; pawang naka-billet sa isang hotel sa Ortigas Avenue, Pasig City.

Sinabi ni Albayalde na  ang mga suspect ay nasako-te dakong alas-7 ng gabi sa kahabaan ng Sunset Drive sa panulukan ng Pacific Drive sa bisinidad ng Mall of Asia, Pasay City.

Bago ang operasyon, isang Chinese national na nabiktima ng mga suspect noong Mayo 14 ang dumulog sa PNP-CIDG matapos umanong  magoyo o malin­lang ng mga suspect na pinagbentahan ng kemikal at mga paraphernalia na kapag ikinuskos sa perang P1,000 ay mistulang magic na magi-ging dolyares ito. Ang biktima ay nagbigay ng paunang bayad na P250,000.

Base sa imbestigasyon, sinabi ng mga opisyal na ang nasabing mga paraphernalia at chemical substance ay ibinebenta ng mga suspect sa halagang P-5 M kada 500 milimeter kung saan nag-demo pa ang mga dayuhan pero lingid sa kaalaman ng biktima ay inipit lamang sa kamay ang dolyar na kunwa-ring naging dolyar na sa isang iglap.   

Show comments