^

Metro

Waste segregation sa Quezon City Vice, paiigtingin pa ni Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas paiigtingin pa ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang interes ng publiko sa waste segregation upang mabawasan ang mga basurang itinatapon sa mga landfill na sinasabi ni Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na madalas pagmulan ng korapsyon.

Ayon kay Belmonte, malaki ang matitipid ng lokal na pamahalaan sa recycling kumpara sa pagbabayad ng malaki sa pangongolekta at pagtatapon ng basura.

 “Usec Diño told me that we should work towards ensuring waste segregation at source if we wish to address corruption, because corrupt politicians make money on every trip made by garbage trucks to landfills,” ani Belmonte.

Sinabi ni Belmonte na  pinayuhan siya ni Diño na palakasin pa ng lokal na pamahalaan ang kampanya nito na  ma-engganyo ang mga tao na mag-segregate ng kanilang mga basura.

Anya, sa pamamagitan ng “segregation at source” at pagtatayo ng mga MRF o Materials Recovery Facility sa mga komunidad, malaki ang maibabawas sa volume ng basura na itatapon sa mga landfill.

 Kilalang isang environmentalist, pinangunahan ni Belmonte, bilang presiding officer ng Sangguniang Panglungsod, ang pagpasa noong Setyembre 8, 2014 ng City Ordinance No. 2350-2014 o ang “Quezon City Environment Code” na naglalayong labanan ang polusyon sa lungsod.

Ayon pa kay Belmonte, panahon na upang lalo pang higpitan ang pagpapatupad ng nasabing ordinansa lalu pa nga’t  naisara na ang Payatas landfill noong isang taon na siyang pangunahing pinagtatapunan ng basura noon ng QC.

vuukle comment

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with