^

Metro

Retiradong US Navy timbog sa rape

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang retired US Navy ang inaresto kahapon ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa reklamong rape na isinampa ng isang menor- de-edad na pamangkin nito.

Kinilala ni QCPD Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang suspek na si Manuel Llara, 56, retired US Navy, nakatira sa Unit 5, Town House 39-B, Bangar St., New Haven Village, Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Ayon sa report, ang pang­gagahasa umano ng suspek sa kanyang pamangkin na itinago sa pa­ngalang Pinky, 16-anyos ay naganap dakong alas-11:00 ng umaga sa loob ng isang apartelle sa Quirino Highway, Brgy. Greater Lagro.

Sinasabing pumunta ang suspek at biktima sa isang kilalang mall sa  Fairview para kunin ang ipinagawang party balloons pero pagdating nila doon ay hindi pa tapos ang mga balloon at sinabing balikan na lamang.

Niyaya naman ng suspek ang pamangkin na kumain muna pero sa halip na sa restaurant dalhin ay ipinasok niya ang dalagita sa apartelle at saka ginahasa sa kabila ng pagmamakaawa nito at tinakot na papatayin kapag magsusumbong.

Pag-uwi sa bahay, agad na nagsumbong ang biktima sa mga magulang na agad na nagreklamo sa him­pilan ng pulisya.

Sa isinagawang follow-up operation, naaresto ang suspek at nahaharap nga­yon sa kasong paglabag sa R.A. 8353 (Anti-rape Law).

vuukle comment

RETIRED US NAVY ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with