Recall election sa San Juan, uusad na!
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2018 - 12:00am

Mosyon ni Gomez ibinasura

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni dating San Juan Vice Mayor Francis Zamora na magsisimula nang umusad ang recall election na inihain ng libu-libong residente ng San Juan City laban kay Mayor Guia Gomez.

Ang anunsyo ay ginawa ni Zamora nang dumalo siya sa isang pagtitipon ng kanyang mga tagasuporta sa basketball court sa Brgy.  Kabayanan, Blumentrit St. sa San Juan, dakong alas-9:00 ng umaga kahapon.

Una dito ay ibinasura  ng Commission on Elections (COMELEC) en banc ang motion for reconsideration na inihain ni Gomez, na humihiling na mapigilan ang recall election laban sa kanya kaya’t maaari nang simulan ang proseso nito.

 “The motion for reconsi-deration of Guia Gomez has been denied by the COMELEC en banc and the verification of the 30,000 signatures will begin on April 25, 2018,” anunsiyo pa ni Zamora.

Nagbigay na rin aniya ng ‘go signal’ ang COMELEC en banc upang simulan ang beripikasyon ng mga lagda ng may 30,000 residente ng lungsod, na pumirma sa recall petition laban sa alkalde.

Nakasaad sa inisyung notice ni San Juan Election Officer Atty. Gregorio Bonifacio, nabatid na itinakda ng poll body ang beripikasyon sa mga naturang lagda simula bukas, Abril 25 hanggang Mayo 1, ganap na alas- 8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa San Juan Knights gym, San Juan Elementary School sa Barangay Balong Bato.

Naniniwala  si Zamora na ang pagbasura ng Comelec en banc sa apela ng alkalde at pag-usad ng recall ay isa namang tagumpay ng mga mamamayan ng San Juan, na nawalan na aniya ng kumpiyansa sa kasalukuyang alkalde, at patuloy na lumalaban para sa pagbabago.

Nanawagan naman ang dating bise alkalde kay Gomez na huwag nang gumawa ng paraan upang hadlangan pa ang recall election at sa halip ay harapin na lamang ang proseso.  Kaugnay nito, tiniyak ng kampo ni Mayor Gomez na gagawa sila ng legal na paraan para mapigilan ang recall election.  

FRANCIS ZAMORA RECALL ELECTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with