32,000 pulis ikakalat ngayong Semana Santa
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kabuuang 32, 000 pulis ang ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) upang magbantay sa 4,546 Police Assis-tance Centers (PACs) sa mga istratehikong lokasyon sa mga pangunahing lansangan, travel routes, mga terminals, daungan, paliparan upang matiyak ang ligtas at mapayapang paggunita   sa Semana Santa 2018 at Summer Vacation (SUMVAC).

 Ito ang inihayag kahapon ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao bilang bahagi ng pinaigting na seguridad ng kapulisan sa paggunita sa panahon ng kuwaresma at ng mahabang bakasyon.

Una rito, isinailalim ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’de la Rosa  ang 180,000 malakas na puwersa ng pulisya  sa buong bansa sa full alert status na tatagal hanggang Hunyo 13 sa pagbubukas ng klase.

 Noong Lunes ay nagdeploy ng inisyal na libu-libong  puwersa ang PNP  pero dahilan sa exodus ng mga tao sa mga transport terminals at ng mga bumibiyahe sa mga probinsya ay dinagdagan pa ito.

 Sa Metro Manila, nagdeploy si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde ng 11, 871 pulis sa buong metropolis upang mahigpit na bantayan ang lahat ng matataong lugar kabilang ang mga simbahan, mga pangunahing istraktura ng pamahalaan, commercial center ngayong Semana Santa.

Ayon naman kay dela Rosa, bagaman wala namang direk-     tang namomonitor na banta sa seguridad ngayong Mahal na Araw  ay pinaigting ng kapulisan ang seguridad at intelligence network  upang hindi malusutan ng masasamang elemento.  

Related video:

HOLYWEEK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with