^

Metro

Shootout: 2 holdaper utas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Shootout: 2 holdaper utas

Ang isa sa dalawang nasawing holdaper na nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad. (Kuha ni Joven Cagande)
 

MANILA, Philippines — Dalawang hinihinalang holdaper ang napatay habang nakatakas ang isa pa matapos makipaghabulan at makipagbarilan sa mga awtoridad sa likod ng Philippine Postal Office sa Lawton, Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inaalam pa ang pagkakilanlan ng mga suspek na inilarawan ang isa sa edad na 35-40, may taas na 5’4, nakasuot ng jacket na may yellow stripe, may tattoo na April sa dibdib at Jomer  Galicia sa likod,  habang ang isa pa ay tinatayang may taas na 5”, may edad sa pagitan ng 30-35, kapwa armado ng kalibre 38 baril.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide section, dakong alas-11:35 ng gabi nang maganap ang insidente  sa Muelle del Rio St., Lawton.

Una rito, nagsuplong sa CIDG Manila base  ang isang Erica de Guzman, 21, at live-in partner nito, kapwa residente ng Tondo, Maynila matapos silang holdapin sa panulukan ng Dapitan at Lacson Sts.  dakong alas 9:00 ng gabi.

Agad nakipag-ugnayan sa MPD ang CIDG at ikinasa ang follow-up operation laban sa magka-angkas na mga suspek at sa isa pang sakay din ng hiwalay na motorsiklo.

Namataan pa ang  mga suspek base sa deskripsiyon na ibinigay ng mga biktima at nang sitahin ay agad na nanlaban at pinaputukan ang mga humahabol na mga awtoridad hanggang sa nauwi sa pagpapalitan ng putok.

Ang driver ng isa sa motorsiklo ay nakatakas sa kalagit­­naan ng putukan.

Narekober ang mga baril sa mga napatay na suspect habang nakuhanan din sila ng 3 sachet ng hinihinalang shabu, bukod sa pagkabawi sa shoulder bag ng biktima na intact pa ang nilalalaman.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with