^

Metro

Kelot na pumatay sa aso na nag-viral sa video, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinampahan na kahapon ng patung-patong na kasong kriminal sa Muntinlupa City Police ang lalaki sa viral video sa Facebook na paulit-ulit na pumalo sa ulo ng isang aso hanggang sa mapatay niya ito,

Sa tulong ng Baguio Animal Welfare, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8485 o ‘Animal Welfare Act of 1998’ ang suspek na nakilalang si Michael Bobby Potot Jr., alyas Jay-R, ng Brgy. Alabang, ng natu­rang lungsod.

Bukod dito, sinampahan rin ng mga kasong ‘grave threat, tresspassing at damage to property’ ang suspek ng complainant na si Redge Abela Espanilla at Rea Espanilla, mga may-ari ng pinaslang na asong si Seven.

Sa viral video na uma­bot na sa 48,000 share, ma­kikita ang isang lalaki na hinahampas ng dos-por-dos sa ulo ang isang aso hanggang sa tuluyang mapatay ito. Kinunan ang video ni Redge Espanilla na sinabing hindi niya nagawang awatin ang suspek dahil sa buntis siya at sa takot na pati siya ay idamay.

Nag-ugat umano ang galit ng suspek sa aso nang habulin ang kanyang ba­tang anak ngunit iginiit ni Espanilla na hindi naman ito nangangagat dahil nang-aamoy lang. Unang hinampas ng kahoy na panlaba ang aso ngunit umuwi at nang bumalik ay may dala nang dos-por-dos na kahoy saka pinasok ang bahay ng mga Espanilla at pinatay ang aso. 

May nakalaan na pagkakulong na hanggang da­la­wang taon at multang a­abot sa P100,000 kung ma­papatunayan na nagka­sala sa Animal Welfare Act. Patuloy namang pi­nag­hahanap ngayon ang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with