^

Metro

33 ‘tulak’ timbog sa drug ops sa Quezon City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Huli sa isinagawang ‘round the clock’ drug operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 33 katao na kinabibilangan ng wa­long babae at 25 na lalaki na sinasabing ayaw tumigil sa pagbebenta ng bawal na gamot sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay P/Chief. Supt. Guil­lermo Eleazar, director ng QCPD, ang mga suspek ay naaresto sa iba’t-ibang lugar sa Quezon City dakong alas-12:00 hanggang alas-4:00 ng madaling araw sa magkakasunod na buy bust operation na isinagawa ng kanyang mga tauhan.

Mismong mga residente ng Quezon City ang nagbibigay na ng impormasyon sa mga awtoridad dahil sa ayaw pa ring tumigil sa pagbebenta ng bawal na gamot ng mga suspek.

Nabawi mula sa mga suspek ang nasa 100 plastic­ sa­chet­ na naglalaman ng droga na nagkakahalaga ng P1.7 mil­­yon at ibat-ibang drug para­pher­­­nalia.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165, (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at  RA 10591 (Compre­hensive Firearms and Ammunition Regulation Act.)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with