MMDA nanawagan ng disiplina sa mga motorista
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2018 - 12:00am

Report ng JICA alarming na!

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na pairalin ang disiplina sa sarili at suportahan ang  programang infrastructure ng gobyerno dahil sa nakakaalarmang ulat ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na nasa P3.5 billion ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa matinding trapik.

Ito aniya ang nakikitang short-term solution ng MMDA hinggil sa nakakaalarmang pahayag ng JICA.

Sabi ni MMDA general manager Jojo Garcia, dapat aniya pairalin ang disiplina sa sarili ng bawat isa lalo na ng mga motorista pagdating sa trapik. Ipinaliwanag ni Garcia, base sa nararanasan ng ahensiya, ang ilan sa mga naging sanhi ng trapik sa Metro Manila ay dahil sa problema sa engineering  tulad ng maliit na sukat ng mga daan, kawalan disiplina ng mga motorista  at mga obstruction sa kalsada tulad ng mga iligal parking na mga sasakyan.

Dahil sa trapik ay maraming gasolina at oras  ang nakukunsumo, na ilan sa nakikitang dahilan kung bakit naaapek­tuhan ang ekonomiya ng Pilipinas.

Samantalang, ang “Build, Build, Build” infrastructure program naman ng gobyerno ang nakikitang long-term solution para maibsan ang trapik sa Metro Manila na kailangang masuportahan.

Sa report ng JICA, nasa 3.5-billion kada araw  ang nalulugi sa ekonomiya ng bansa dahil sa masamang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with