PANOORIN: Bigas imbis na bulaklak, ipinamigay ng 3 lalaki sa kanilang kaopisina

MANILA, Philippines – Imbis na bulaklak ang ibigay nitong Valentine’s Day, tatlong lalaki ang namigay ng bigas sa kanilang mga babaeng kaopisina.

Sa video na ibinahagi ni Junjun Santos, tig-iisang supot ng sinandomeng na bigas ang binigay ng mga lalaki habang bumabati ng happy Valentines.

Tawang-tawa naman ang mga nakatanggap ng regalo kasabay ng kanilang pasasalamat sa regalo ng kanilang mga kaopisina.

Show comments