Gayunpaman, sinabi ni Estrada na pinanatili pa rin niyang nakaalerto ang buong puwersa ng Manila Police District (MPD) upang pangalagaan ang seguridad ng lungsod at ng 1.7 milyong residente nito. AP file/Kin Cheung, File

Walang jihadists sa Maynila-Erap
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling tiniyak ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na ligtas sa banta ng mga terorista ang lungsod, pati ng mga umano’y foreign Jihadists na ayon sa bali-balita ay nakapasok ng bansa kamakailan.

Gayunpaman, sinabi ni Estrada na pinanatili pa rin niyang nakaalerto ang buong puwersa ng Manila Police District (MPD) upang pangalagaan ang seguridad ng lungsod at ng 1.7 milyong residente nito.

 Sinabi naman MPD director Chief Supt. Joel Coronel, na “secured and safe” ang Maynila.

“We are working closely, number one with our Muslim communities, especially in the Golden Mosque, Quiapo, and other communities, in Baseco and Sta. Mesa,” ani Coronel.

May kasunduan umano ang lokal na pamahalaan sa mga religious at barangay leaders ng mga Muslim communities na ito kung saan agad nilang ire-report sa otoridad ang sinumang mga bagong salta na may kahina-hinalang kilos sa kanilang mga komunidad.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with