Libreng sakay sa LRT 1 sa Bagong Taon

MANILA, Philippines — Magandang balita para  sa mga commuters.

Nakatakdang magkaloob ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line (LRT) 1 sa mga commuters sa Bagong Taon ( Enero 1, 2018).

Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang free rides ay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ang LRT 1 ay may biyaheng mula Baclaran Station sa Parañaque City patungong Roosevelt, Quezon City.

Ang hakbang ay bilang handog sa mga commuters ng LRT 1 ng LRMC ngayong Bagong Taon na isang espesyal na okasyon na tradis­yunal na inoobserbahan sa bansa.

Nabatid na ang ‘tap and go” ay hindi babawasan ang mga Stored Value Cards (SVC) habang ang mga walang SVC ay maaari namang kumuha ng single journey tickets para sa mga libreng sakay sa mga tellers sa istasyon ng LRT 1.

Samantala, ipinaabot ng pangasiwaan ng LRT 1 ang pagbati nito ng masaganang Bagong Taon sa libu-libo nilang mga commuters.

Show comments