Sunog sa Las Piñas, Marikina: Higit 100 pamilya naapektuhan

MANILA, Philippines — Nawalan nang tirahan ang halos nasa 100 pamilya  matapos masunog ang 50 kabahayan, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Nabatid kay Fire Officer 2 Daisy Pedralvez, ng Las Piñas City Bureau Fire Protection, alas-8:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng tahanan ng isang Georgia Cubio  sa Block 5, Phase 1, BF Martinville, Brgy. Manuyo Dos ng nasa-bing lungsod.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang mga gawa sa light materials.

Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog at alas-10:20 ng gabi  nagdeklara ng fire-out ang mga awtoridad.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa dalawang oras na sunog.

Ayon naman kay Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar,  pansamantalang ipa­pagamit sa mga naapektuhan ng sunog  ang multi-purpose hall habang wala pa silang malilipatang bahay.

Samantala sa Markina City, sinasabing isang nag-init na electric fan ang dahilan ng pagsiklab ng sunog na tumu-pok sa anim na tahanan dito, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay SFO1 Paulo Garrado ng Bureau of Fire ng Marikina City, dakong alas-12:51 ng madaling araw ng magsimula ang apoy sa bahay ng isang Soliman Tiamzon sa H. Bautista street ng bigla na lang umanong umusok ang ginagamit nitong electric fan at biglang magliyab.

Dahil sa gawa sa kahoy at iba pang light materials kaya mabilis na kumalat ang apoy sa bahay ni Soliman hang­gang matupok din ang lima pang kalapit na tahanan.

Mabilis naman ang res­ponde ng mga bumbero at agad naapula ang apoy at idekla-  rang fire under control dakong ala-1:28 ng madaling araw.

Apektado ang 16 na pa­mil­­ya na ngayon ay pansamantalang nananatili sa basketball court ng Barangay H. Bautista.

Wala namang naiulat na nasaktan o kaya’y sa nasa-bing sunog at tinatayang nasa P300,000 halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy.

Show comments