Operasyon ng Libretaxi, ipinatitigil ng LTFRB

MANILA, Philippines — Ipinatigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng isa pang Transportation Network Company (TNC)

Ito ayon kay Atty. Aileen Lizada, spokesperson ng LTFRB ay dahil kolorum ang operasyon ng bagong TNC na Libretaxi.

Anya, ang kompanya ay hindi nakipag-ugnayan sa LTFRB at hindi kumuha ng permit sa ahensiya kaya’t wala itong awtorisasyon na bumiyahe.

Kaugnay nito, binalaan ng LTFRB  ang Libretaxi na ihinto na nito  ang lahat ng bookings dahil ikinokonsedera nilang kolorum ang operasyon nito.

Nagbabala ang  LTFRB sa pamunuan ng Libretaxi na kakasuhan ito kung hindi susunod sa kanilang kautusan.

Show comments