Lolo na-hit and run ng trailer truck
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Kalunos-lunos ang sina­pit ng isang lolo makaraang mabundol at masagasaan ng isang trailer truck at takbu­han ng tsuper, kahapon ng mada­ling araw sa Caloocan City.

Hindi na naisugod sa pa­gamutan makaraang halos magkagutay-gutay ang katawan ng biktimang si Ricardo Gingco, 76, ng M.H Del Pilar Street, Brgy. 109, ng natu­rang lugsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police-Traffic Accident Inves­tigation Unit, naganap ang insidente dakong alas-3:10 ng madaling araw sa kanto ng C-3 Road at Rizal Ave­nue Extension habang tumatawid ang matanda ng mag-isa sa na­turang kalsada nang big­lang mag-berde ang traffic light.

Dahil sa bagal maglakad ng biktima, dito siya nabundol ng isang trailer truck buhat sa Mabini Street. Pumailalim ang biktima sa trak at nagulungan pa dahilan ng agaran niyang pagkasawi.

Sa halip naman na saklolohan ang biktima, tumakas ang hindi nakilalang tsuper patungo sa direksyon ng Que­zon City. Inaalam naman ng pulisya kung nakunan ng closed circuit television camera sa C3 Road ang pangyayari upang makilala ang trak at ang tsuper na nagmamaneho nito.

Dinala ang bangkay sa Eusebio Funeral Homes para isailalim sa kaukulang awtop­siya. 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with