MANILA, Philippines — Napatay noon din ang 41-anyos na babae nang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang gunman habang nagkukumpuni ng kariton, sa Port Area, sa Maynila, kahapon ng tanghali.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Maria Fe Luzan-de, ng 15th St., ng naturang lugar sanhi ng tinamong bala sa ulo na tumagos sa pisngi.
Sa ulat ni SPO2 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng umaga sa Delgado St.
Habang kinukumpuni umano ng biktima ang sirang kariton nito nang makarinig na lang ng putok ang 13-an-yos na anak nito at sa paglabas niya ng kanilang bahay ay nakitang nakabulagta at duguan na ang biktima.
“Nung lumabas ‘yung anak may nakita siyang lalaki na nakasuot ng kulay light green na damit at papatakas na posibleng ‘yun daw ang may kagagawan ng pamamaril,” ani Cayabyab.
Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa naturang pa-mamaril.