Blood letting project ni VM Joy B., patuloy sa pag-arangkada

MANILA, Philippines — Daan daang mga kabataang mag-aaral, faculty at mga magulang ang nakiisa sa isinagawang blood letting project ni Quezon City Vice MAyor Joy Belmonte sa QC Polytechnic University San Bartolome sa naturang lunsod.

Ang proyekto ay bahagi ng kampanya ni Belmonte na makalikom ng dugo para sa mga under privilege na residente na higit na nangangailangan ng suplay nito dahil sa karamdaman.

Ang team ni Belmonte sa ilalim ng ‘Joy of Public Service’  kasama ang Philippine Blood Center, National Kidney and Transplant Institute, Lung Center at mga barangay officials sa lungsod ay patuloy na nagkakapit bisig para mabigyan ng  libreng kailangang dugo ang mga nangangailangan  na isasailalim sa operasyon at mga kapuspalad.

Ang 70 percent na nalilikom na dugo ng tanggapan ni Belmonte ay ipinagkakaloob sa Philippine Blood Center at ang 30 percent ay laan sa nangangailangang mga kapuspalad na taga-QC.

Show comments