2 witness sa hazing, lumutang sa DOJ

MANILA, Philippines — Dalawang witness sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Tomas ‘Atio’ Castillo III ang lumu­tang sa Department of Jus­tice (DOJ) upang ma­ki­pagtulungan sa isina-sagawang imbestigasyon.

Ito ang inihayag ni Justice Secretay Vitalliano Aguirre II kasabay ng pag­tanggi na ibunyag ang panga­lan ng mga ito.

Ayon kay Aguirre, ang isa ay hindi miyembro ng fraternity habang ang isa ay miyembro ng Aegis Juris na kapwa nag­sabing nakahanda silang magbigay ng nalalaman sa pagkamatay ni Atio.

Natatakot anya ang mga ito sa kanilang buhay matapos pagbantaan ng mga miyembro ng fraternity.

Sinabi pa ng kalihim na may walong bagong mi-yembro ng Aegis Juris ang itinatago ng kanilang fraternity na may nalalaman din sa kaso.

Hinimok din ni Aguirre ang mga nagtatagong mi-yembro ng Aegis Juris fraternity na lumantad at tumestigo laban sa mga tunay na utak sa pagkamatay ni Cas­tillo at ginagarantiya nila ang proteksyon ng mga ito sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) ng DoJ.

Aniya, maaaring magtu­ngo ang mga ito direkta sa  kan­yang opisina at agaran niya itong bibigyan ng ayuda.

Samantala, sinabi rin ni  Aguirre na maaari nilang  hilingin sa Department of Foreign Affairs na ikansela ang travel documents ni Ralph Trangia, na isa sa mga sinasabing primary suspects kay Horacio.

Show comments