Parallel investigation ng NBI, simula na rin

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Natio­nal Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang ‘parallel investigation’ sa pagkamatay ng tinedyer na si Kian Delos Santos  sa umano’y anti-drug operations sa Caloocan City nitong Agosto 16.

 Nabatid na nagtungo na sa Brgy. 160, Sta. Quiteria, Caloocan City ang mga tauhan ng NBI-Death Investigation Division upang personal na suriin ang ‘crime scene’ kung saan natagpuan ang bangkay ni Kian at berepikahin ang mga lumalabas na anggulo ng iba’t  ibang panig.

Kasama ng NBI na nagsuri sa lugar ang Public Attorney’s Office (PAO) sa pa­ngunguna ni Atty. Perci­da Acosta.  Kabilang sa obse­r­basyon ni Acosta ang pagi­ging napakasikip ng lugar kung saan napaslang si Delos Santos sa kabila ng iginigiit ng pulisya na nanlaban at tumakbo ito.

Ang imbestigasyon ng NBI ay makaraang ipag-utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na una na ring nagsabi ng kahandaan na ilagay ang pamilya Delos Santos sa ‘provisional witness protection program’ ng pamahalaan para sa kanilang kaligtasan.

Show comments