Ang isa sa dalawang nasawi na lulan ng motorsiklo na sumalpok sa isang trailer truck sa Potrero, Malabon. (Kuha ni Joven Cagande)
 

Rider, angkas pisak sa trailer truck
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines -  Kapwa pisak ang isang rider at angkas nitong babae  matapos salpukin at magulungan ng isang trailer truck, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Sanhi nang matinding pinsala sa katawan at ulo kapwa dead on the spot ang mga biktimang sina Niheda Joe Matsui, 20, at ang angkas nitong si Allyana Nicole Clerigo, 20, kapwa ng naturang siyudad.

Nakakulong naman sa Malabon City Police Traffic Bureau ang driver na si Randy Tagalog, 29, nakatira sa T. Santiago St., Veinte  Reales, Valenzuela City at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide.

Ayon kay Malabon City Police, traffic investigator na si SPO2 Israel  Aguinaldo, naganap ang insidente alas-3:00 kahapon ng madaling araw.

Magkaangkas ang mga biktima sa isang Yamaha Sniper  motorcycle ( 8045-OE ) at  binabagtas nila ang Nangka Road at pagsapit sa  intersection ng Tuazon Avenue, Brgy. Potrero ng naturang lungsod, sinalpok ang mga ito ng tractor head na nakakabit sa trailer na minamaneho ni Tagalog na may  plakang  (RFS-419).

Mula sa kanilang motorsiklong sinasakyan tumilapon ang mga biktima hanggang sa magulungan pa ang mga ito, na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan. Nadakip naman ang suspect na si Tagalog.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with