10 dayuhan, tiklo sa black sand mining

MANILA, Philippines - Arestado ang siyam na Chinese nationals at isang Indo­nesian nang maaktuhan sa iligal na pagmimina ng mi-nerals o black sand ng walang kaukulang permit mula sa gobyerno, sa dead river ng San Felipe, Zambales, nitong Mayo 20, 2017.

Iniharap kahapon sa me­dia ang mga nadakip na kinila-lang sina Zhining Tang, Liao nantu, Yichang Lin, Zhi­bin Xu, Jinwei Chen, Hong­ming Zhou, Wen Haihu, Yong Wang, Tang Peilong, pawang Chinese national; at Afrizon Hary, Indonesian. Sila ay naisalang na sa inquest proceedings sa Iba, Zamba­les Provincial Prosecutor’s Office sa paglabag sa Section 103 o Theft of Minerals) sa ilalim ng Republic Act 7942 (Philippine Mining Act of 1995).

Sa ulat ng NBI-Environmental Crime Division (NBI-EnCD), nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa iligal na pagmimina ng mga dayuhan ng lahar sand na pinaniniwalaang black sand sa Macolcol River, San Felipe, Zambales, gamit ang foreign dredging vessels na inupahan umano ng kumpanyang nakabase sa Pilipinas na walang kaukulang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB), Department of Labor and Employment (DOLE), at Maritime Industry Authority (MARINA).

Agad silang idineploy ni NBI Director Dante A. Gierran para sa surveillance at kasunod na ang pagsalakay kasama ang DENR-MGB Region 3, at DOLE, at koordi­nasyon sa pulisya sa lugar, kung saan naaktuhan ang isinasagawang dredging ng buhangin na hinahakot patungo sa nakaantabay na cargo vessel.

Kinumpiska ng NBI ang isang dredger vessel, isang tugboat, 3 dumb barge na gamit sa iligal na operasyon.

Show comments